Inuman Tayo!

 
Ang Nakaraan
Mga Nakatago sa Banga
Mga Gustong Magsalita

Pinoy na Pinoy
    • Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
    • Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
    • I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
    • Change Me = Ibahin mo ako!
    • Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
    GATAKA
    Sunday, September 23, 2007
    Nakatikim ka na ba ng Baileys? Yung mahal na inumin na halos Php 400 yung isang 500ML na bote. Yung lasang mocha na may konting pait ng alcohol na nakaka-adik inumin kung mahilig ka sa tsokolate.

    Kung hindi pa, meron akong irererekomenda sa yo. Ito ang tinatawag na GATAKA, o GAtas, TAnduay, at KApe. Sin-sarap ng Baileys pero di sing mahal. At mas malakas pa ang tama nito!

    Ang kakailanganin mo lamang ay ang mga ito:

    - 1 condensed milk
    - 3 Nescafe coffee sachet (yung pahaba na purong puro)
    - 1 longneck Tanduay (pero mas recommend ko yung Generoso Brandy sa manamis-tamis nitong lasa)
    - Tubig at Yelo pampa-neutralize ng lasa

    Ihalo sa malaking pitsel. Tantyahin nyo na lang kung gaano ka-tapang ang gusto nyong inumin. Dagdagan ng tubig kung masyadong matapang.

    Serve chilled and with cherry para mas sosi ang dating.

    Labels: ,

    posted by StarScream @ 8:33 PM  
    2 Comments:
    • At October 28, 2007 at 1:03 PM, Blogger the ULTIMATE SHOPPER said…

      wow! ang gnda ng blog mo! pde ko b link sken?! nasubukan ko n yang "pinoy" version ng bailey's.. high skul days, walang pera kya klngan mag improvise! yn margarita susubukan ko pgbalik ko sa pinas..

       
    • At May 17, 2009 at 2:32 AM, Blogger Unknown said…

      Sa amin ang tawag dito BORACAY, pareho din ang timpla samin nilalagyan namin ng onting MILO para medyo lasang BAILIES talaga. Try nyo!!!

       
    Post a Comment
    << Home
     
    Inuman Tayo!

    Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.

    Mga Tanggero
    Isponsors

    BLOGGER

    Powered by

    BLOGGER

    © 2006 Inuman Tayo! .Template by Isnaini Dot Com Edited by Pats