Inuman Tayo!

 
Ang Nakaraan
Mga Nakatago sa Banga
Mga Gustong Magsalita

Pinoy na Pinoy
    • Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
    • Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
    • I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
    • Change Me = Ibahin mo ako!
    • Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
    Chipipay Margarita
    Monday, October 15, 2007
    Pag sinabi mong "iinom ako ng Margarita," parang napaka-sosyal ng dating mo di ba? Pag bumili ka sa mga bar, ang pagka-liit liit na baso eh nabebenta ng halos Php100. Pero sa totoo lang, kayang-kaya mo naman gumawa ng margarita. Hindi mo kelangan gumastos ng malaki para makatikim nito. Eto lang mga kakailanganin mo:

    - 1 bote El Hombre Tequila (nasa Php 150 lang - nabibili sa mga grocery)
    - 1 bote Triple Sec (nasa Php 150 lang rin - sa mga grocery rin)
    - 1 bote lime (nasa ganung presyo rin - grocery rin)

    Mas mainam kung i-mix ito sa isang mixer/shaker (ala barista style), pero kung wala, sa isang malaking pitsel pwede rin basta ihalo ng mabuti. Ang tamang proportion para dito eh 3 : 2 : 1. Meaning, 3 parts tequila, 2 parts triple sec, 1 part lime (or para mas simple, 3 shots tequila, 2 shots triple sec, 1 shot lime juice). Syempre kung gusto mo matapang, mas marami tequila. Pero ikaw na bahala dun.

    Kung tamang presentasyon rin lang ng margarita, gumamit ng martini glass para sosi kunwari. kung wala, kahit anong baso pwede na. Basain ang dulo ng baso (kung saan ka iinom), at ilatad ito sa asin. Yung kalalabasan nito eh puno ng asin yung bilog sa baso kung saan ka iinom. Basta gets mo na yun. Tapos ibuhos ang Margarita sa loob ng baso.

    Para mas masarap, gumamit ng Cuervo. :D

    Labels: , ,

    posted by StarScream @ 10:28 PM  
    0 Comments:
    Post a Comment
    << Home
     
    Inuman Tayo!

    Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.

    Mga Tanggero
    Isponsors

    BLOGGER

    Powered by

    BLOGGER

    © 2006 Inuman Tayo! .Template by Isnaini Dot Com Edited by Pats