Inuman Tayo!

 
Ang Nakaraan
Mga Nakatago sa Banga
Mga Gustong Magsalita

Pinoy na Pinoy
    • Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
    • Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
    • I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
    • Change Me = Ibahin mo ako!
    • Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
    Sangria
    Tuesday, January 22, 2008
    Waw, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!!
    Beleyted nga lang! Wahehehehe.

    Sa sobrang tagal ng hindi ko pagpo-post dito, eh inaamag na ata tong blog ko, jusko! Sa dami kasi ng inuman nitong nakaraang pasko at bagong taon, wala na akong panahon para makapag-update. Yehba, busy ang lola nyo.

    Pero may bago akong recipe na nakuha mula sa aking ex-opismeyt na si Simon. Ito ang tinatawag na Sangria. Spanish drink daw ito, at ito ay hinahalong inumin. Ituturo ko sa inyo pano gumawa nito.

    Tuwing pasko, andaming wine no? Pinaka-common na dito ang Red Wine. Subalit kung mayroon sarap na sarap sa red wine, meron ring ayaw dito. Isa na ako sa mga iyon. Kaya nung nag inuman kami, gumawa si Simon ng Sangria mula sa Red wine. At ito ang aking nagustuhan!

    Para makagawa ng Sangria, eto ang iyong kakailanganin:
    - Red Wine (1/3 Part)
    - Sprite (1/3 Part)
    - Orange Juice (1/3 Part)

    Kung titingnan mo, kadirs no? Pero pag hinalo mo na ito, masarap ang kanyang kalalabasan. Lasang Cranberry juice at hindi mapait tulad ng Red Wine. Ladies drink ito, at hindi rin gaanong nakakalasing. Kung gusto nyo lamang pasosyalin ang inyong hapunan, magtimplay kayo ng Sangria para ma-experience ang Kastilang inumin!

    Labels: , ,

    posted by StarScream @ 8:09 PM  
    0 Comments:
    Post a Comment
    << Home
     
    Inuman Tayo!

    Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.

    Mga Tanggero
    Isponsors

    BLOGGER

    Powered by

    BLOGGER

    © 2006 Inuman Tayo! .Template by Isnaini Dot Com Edited by Pats