Inuman Tayo!

 
Ang Nakaraan
Mga Nakatago sa Banga
Mga Gustong Magsalita

Pinoy na Pinoy
    • Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
    • Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
    • I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
    • Change Me = Ibahin mo ako!
    • Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
    Chipipay Cosmo Martini
    Thursday, June 12, 2008
    Ito ang improvised na cosmopolitan martini na ginawa namin based dun sa original recipe nya:

    Ganito ang pagtimpla:
    4 parts vodka (Gilbeys 180 PHP)
    2 parts triple sec (160PHP)
    2 parts cranberry juice (70PHP sa grocery)
    1 part fresh lime juice (35PHP)

    Sarap nyan! Mas magugustuhan ng mga gurlaloos.

    Labels: , , , ,

    posted by StarScream @ 11:56 PM   0 comments
    Chipipay Vodka Ice
    Sunday, May 18, 2008

    Nung Byernes, nag-inuman kami ng opismeyts ko at naki-gaya ako sa kanila sa sosyal na inumin: Vodka Ice. San Mig Light lang sana ako eh kaso na-curious ako so tinikman ko na rin lang kahit halos x4 yung presyo nya kesa Light.

    Natikman ko... at ang unang pumasok sa isip ko nung unang tikim ko eh Sparkling Water!! Kaya nung nag inuman kami nung Sabado, bumili akong Vodka at Sparkling water para i-testing kung magkasing lasa. Aba'y biruin mo, masarap ang kinalabasan!

    Pwede rin Sprite kaso mas masarap yung Sparkling water kasi may flavors (di tulat ng Sprite na manamis-tamis lang). Eto ang ingredients:

    1 shot Vodka (Gilbeys pinaka-mura)
    Punuin yung baso ng Sparkling Water (Yung binili ko eh yung Sunkis Zero Cal Apple or Tangerine flavor)

    Mix ng onti at lagyan ng ice. Mmm sarap!

    Labels: , ,

    posted by StarScream @ 10:26 PM   0 comments
    Long Island Iced Tea
    Tuesday, February 26, 2008
    Thanks to Kin for sharing this!

    Great drink pero kung medyo under-budget kayo, better not try this kasi medyo mahal ito hehe.

    Mix the following in a shaker:
    - 1 part Cuervo Gold Php 780.00 (tequila - Alternative: El Hombre Php165.00)
    - 1 part Bacardi rum (rum - Alternative: Tanduay)
    - 1 part gin
    - 1 part vodka
    - 1 part Cointreau (eto mahal talaga, Php 1,200.00 daw sa SM, pero Php 600 sa Greenhills)

    Add a dash of lemon.
    Shake and pour over an ice-filled glass.
    Fill to the brim with Coke and garnish with a lemon wedge.

    Pero dahan dahan lang sa pag-inom nito, kasi dahil hindi mo malasahan ang alcohol, kala mo iced tea lang talaga at mapapa-rami ka ng inom. Lethal ito, dahil kaya nitong ilabas ang demonyo na nakakulong sa kaluluwa mo bwahahaha! Di ba, Kin? :D

    Labels: , , ,

    posted by StarScream @ 5:57 PM   0 comments
    Presenting: ANTONOV VODKA
    Monday, February 4, 2008
    Nitong nakaraang linggo, nagpunta kami sa La Union para mag surfing, at doon may na-discover akong bagong drink!

    Presenting... ANTONOV VODKA!

    Mura lang sya (pero mas mahal kesa Gilbey's Vodka na nasa PHP150 lang). Nung nasa La Union kami, PHP200 lang yung Antonov Vodka, pero hindi ko alam kung ganito rin ang presyo sa local market (hindi ko pa kasi nakikita). Hindi pa ata ito na-formally market ng San Miguel.

    80% Alcohol ang Antonov Vodka, kaya kung ako sa inyo, halu-an nyo na lang ng kahit ano para hindi ganun ka-tapang. Ang init pag-lunok mo.

    Try nyo na lang kung nagtitipid kayo sa Vodka!

    Labels: ,

    posted by StarScream @ 10:15 PM   0 comments
    Sangria
    Tuesday, January 22, 2008
    Waw, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!!
    Beleyted nga lang! Wahehehehe.

    Sa sobrang tagal ng hindi ko pagpo-post dito, eh inaamag na ata tong blog ko, jusko! Sa dami kasi ng inuman nitong nakaraang pasko at bagong taon, wala na akong panahon para makapag-update. Yehba, busy ang lola nyo.

    Pero may bago akong recipe na nakuha mula sa aking ex-opismeyt na si Simon. Ito ang tinatawag na Sangria. Spanish drink daw ito, at ito ay hinahalong inumin. Ituturo ko sa inyo pano gumawa nito.

    Tuwing pasko, andaming wine no? Pinaka-common na dito ang Red Wine. Subalit kung mayroon sarap na sarap sa red wine, meron ring ayaw dito. Isa na ako sa mga iyon. Kaya nung nag inuman kami, gumawa si Simon ng Sangria mula sa Red wine. At ito ang aking nagustuhan!

    Para makagawa ng Sangria, eto ang iyong kakailanganin:
    - Red Wine (1/3 Part)
    - Sprite (1/3 Part)
    - Orange Juice (1/3 Part)

    Kung titingnan mo, kadirs no? Pero pag hinalo mo na ito, masarap ang kanyang kalalabasan. Lasang Cranberry juice at hindi mapait tulad ng Red Wine. Ladies drink ito, at hindi rin gaanong nakakalasing. Kung gusto nyo lamang pasosyalin ang inyong hapunan, magtimplay kayo ng Sangria para ma-experience ang Kastilang inumin!

    Labels: , ,

    posted by StarScream @ 8:09 PM   0 comments
    Cosmopolitan Martini
    Tuesday, December 11, 2007

    Perfect pang-pasko. Eto medyo sosyal na drink, pero masarap talaga sya. Pag medyo mataas ang budget nyo, try nyo mag-mix ng Cosmopolitan Martini kasi parang juice lang talaga ang lasa nya but you will end up blabbering the night away.

    Eto ang recipe na nakuha ko from Swank Martini:

    4 parts vodka
    2 parts triple sec
    2 parts cranberry juice
    1 part fresh lime juice

    Combine ingredients in a cocktail shaker with cracked ice and shake well. Strain into a chilled cocktail glass. Enjoy your cosmopolitan martini.

    Tandaan, ang mahalaga dito ay ang bonding kasama ang mga mahal sa buhay.

    Maligayang PASKO sa inyong lahat!

    Labels: ,

    posted by StarScream @ 9:02 PM   0 comments
    Coke at Sprite Mixes
    Monday, November 5, 2007
    Softdrinks - yan ang isa sa mga sangkap na pampasarap ng alak. Pwede mo itong ihalo sa mga hard drinks para hindi ito masyadong matapang, o kaya para magustuhan ng mga babae mong ka-inuman (minsan kasi maaarte sila, ayaw nila ng amoy ng alak).

    Isa sa mga pinaka-paboritong "ladies' drink" ay ang RHUM-COKE. Simple lang, ihalo ang Rhum (Tanduay kadalasan, pero pwede din Fundador) sa Coke. Ang kadalasang timpla nito eh 1:1, meaning 1 part rhum, 1 part coke. Pero kung gusto mong hindi masyadong mangamoy alak ang inumin, ibuhos ang coke ng maramihan.

    Meron din tayong tinatawag na VODKA-SPRITE. Ihalo lamang ang Vodka sa Sprite. As usual, ikaw ang bahala sa timpla kung gusto mong matapang o hindi. Lagyan ng ice para mas masarap. Kahit hindi Absolut Vodka, meron namang mumurahing Vodka sa grocery eh. Hindi mahalaga ang lasa kasi hahaluan mo naman ng Sprite.

    Ang mga alak, color-coordinated yan eh. Black is black (rhum + coke), white is white (vodka + sprite).

    Labels: ,

    posted by StarScream @ 1:41 AM   0 comments
    Inuman Tayo!

    Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.

    Mga Tanggero
    Isponsors

    BLOGGER

    Powered by

    BLOGGER

    © 2006 Inuman Tayo! .Template by Isnaini Dot Com Edited by Pats