Ang Nakaraan |
|
Mga Nakatago sa Banga |
|
Mga Gustong Magsalita |
|
Pinoy na Pinoy |
- Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
- Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
- I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
- Change Me = Ibahin mo ako!
- Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
|
|
|
GATAKA |
Sunday, September 23, 2007 |
Nakatikim ka na ba ng Baileys? Yung mahal na inumin na halos Php 400 yung isang 500ML na bote. Yung lasang mocha na may konting pait ng alcohol na nakaka-adik inumin kung mahilig ka sa tsokolate.
Kung hindi pa, meron akong irererekomenda sa yo. Ito ang tinatawag na GATAKA, o GAtas, TAnduay, at KApe. Sin-sarap ng Baileys pero di sing mahal. At mas malakas pa ang tama nito!
Ang kakailanganin mo lamang ay ang mga ito:
- 1 condensed milk - 3 Nescafe coffee sachet (yung pahaba na purong puro) - 1 longneck Tanduay (pero mas recommend ko yung Generoso Brandy sa manamis-tamis nitong lasa) - Tubig at Yelo pampa-neutralize ng lasa
Ihalo sa malaking pitsel. Tantyahin nyo na lang kung gaano ka-tapang ang gusto nyong inumin. Dagdagan ng tubig kung masyadong matapang.
Serve chilled and with cherry para mas sosi ang dating.Labels: Brandy, Mix |
posted by StarScream @ 8:33 PM |
|
|
Gin Bilog + Juice |
Tuesday, September 11, 2007 |
Inumin ng mga nagtitipid. Natutunan ko sa mga kabarkada ko nung college (o high school?) kasi mga wala pa sweldo at kupit lang galing sa allowance:
1 bote Gin 1 pack Juice (orange, pomelo, grape, pineapple) 1 pitsel
Magtimpla ng Juice sa isang pitsel (minsan konti lang ang tubig na nilalagay para matapang yung juice). Ihalo ang gin.
Isa pang paraan kung paano itimpla ito ay ang paghalo ng gin sa juice, at pagkatapos ay lagyan ng tubig (Kabaliktaran lang nung isa).
Tantyahin na lang kung gaano katapang ang gusto. Kung mas matapang, damihan ang gin. Kung hindi, damihan ang tubig.
Lagyan ng vetchin kung gustong tamaan agad.Labels: Beer, Gin |
posted by StarScream @ 12:26 AM |
|
|
Colt45 at Coors Light |
Monday, September 3, 2007 |
Omaygolay, aalis na ang aking mabuting kaibigan na si Ja! Pupunta na sya sa Singapore! At dahil masyadong narcissistic tong kebigan ko, naghanda sya ng despedida party para sa sarili nya! At alam nyo ba kung sino ang performer sa party nya? Sya rin! Hanep di ba?
Anyways, sa unang pagkakataaon, natikman ko ang dalawang beer na hindi ko pa natikman sa buong talambuhay ko: ang Colt 45 at Coors Light.
Colt 45: Matapang, pero manamis-namis ang panlasa lalo na pag tama lang ang lamig. Pag sobrang lamig, nasasapawan na ng lasa ng ice ang sarap ng beer. Mas mapait kumpara sa Red Horse pero mas matamis kumpara sa San Mig Strong Ice. At matapang!!! Isang bote lang ata nahilo na ako!!
Coors Light: Pambato ng Asia Brewery sa San Mig Light. Ano ba ang espesyal sa beer na to? Ang special Temperature Check label sa likod ng bote. Kapag naging blue na ang parang bukid sa likod, ibig sabihin ready to be served na ito. Pag hndi, eh di lagyan mong yelo. Kung gusto mo ng mas LIGHT kesa San Mig Light, ito ang beer para sa yo.Labels: Beer, Inom Trip |
posted by StarScream @ 7:34 PM |
|
|
|
Inuman Tayo! |
Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.
|
Mga Tanggero |
|
Isponsors |
|
Powered by |
|
|