Waw, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!! Beleyted nga lang! Wahehehehe.
Sa sobrang tagal ng hindi ko pagpo-post dito, eh inaamag na ata tong blog ko, jusko! Sa dami kasi ng inuman nitong nakaraang pasko at bagong taon, wala na akong panahon para makapag-update. Yehba, busy ang lola nyo.
Pero may bago akong recipe na nakuha mula sa aking ex-opismeyt na si Simon. Ito ang tinatawag na Sangria. Spanish drink daw ito, at ito ay hinahalong inumin. Ituturo ko sa inyo pano gumawa nito.
Tuwing pasko, andaming wine no? Pinaka-common na dito ang Red Wine. Subalit kung mayroon sarap na sarap sa red wine, meron ring ayaw dito. Isa na ako sa mga iyon. Kaya nung nag inuman kami, gumawa si Simon ng Sangria mula sa Red wine. At ito ang aking nagustuhan!
Para makagawa ng Sangria, eto ang iyong kakailanganin: - Red Wine (1/3 Part) - Sprite (1/3 Part) - Orange Juice (1/3 Part)
Kung titingnan mo, kadirs no? Pero pag hinalo mo na ito, masarap ang kanyang kalalabasan. Lasang Cranberry juice at hindi mapait tulad ng Red Wine. Ladies drink ito, at hindi rin gaanong nakakalasing. Kung gusto nyo lamang pasosyalin ang inyong hapunan, magtimplay kayo ng Sangria para ma-experience ang Kastilang inumin!Labels: Ladies' Drink, Mix, Wine |