Ang Nakaraan |
|
Mga Nakatago sa Banga |
|
Mga Gustong Magsalita |
|
Pinoy na Pinoy |
- Kapag malaki ang daliri, malaki rin ang butas ng ilong.
- Babaeng naka-helmet = Pangit ang boypren
- I'm not Just-Just = Hindi ako basta-basta!
- Change Me = Ibahin mo ako!
- Marlboro Country = Lugar na puro mukhang kabayo ang mga babae
|
|
|
Videoke: Ultimate Inuman Session |
Wednesday, August 29, 2007 |
Isa sa mga pinaka-ayus gawin kapag nag iinuman ay ang pag-videoke. Kung may budget kayo, okay pumunta sa Videoke na updated yung kanta, malakas ang aircon, at masarap ang pagkain. Ang mga okay na puntahan kapag may Videoke ay ang mga ito:
- Red Box: Greenbelt 3, Makati
- Elbow Room: Metrowalk, Ortigas (May billiards pa para sa mga ayaw kumanta)
- I/O: Jupiter St, Makati or Libis, QC
- Music Room: Promenade, Greenhills
Kung medyo limited ang budget nyo, maraming sulit na videoke pero hindi ganun ka-updated ang mga kanta nila at hindi ganun kaganda ang venue. Ito ang mga pwede nyo puntahan:
- Music 21: Timog, QC
- Platinum KTV: Makati Ave, Makati (Medyo nakatago ito at liblib.. may mga GRO din)
- Mucho KTV: Meralco Ave, Ortigas (Sa tabi ng Metrowalk)
Masarap kumanta kapag may tama, di ba? :)
Eto nga ang mga kasamahan kong nalasing sa Videoke:
Labels: Inom Tayo, Inom Trip, Videoke |
posted by StarScream @ 6:47 PM |
|
|
Matador Mix |
Monday, August 27, 2007 |
Isa pang masarap na mix: Gran Matador + Mountain Dew
Isang bote ng Gran matador at kalahating litro ng Mountain Dew ipaghalo sa isang pitsel. Ang resulta? Parang Welch's sparkling wine. Yung nabebenta sa grocery store na halos 500PHP. Yung Matador-Dew eh mas mura, mas malakas ang tama, kasing sarap pero di sing mahal.
Try it!Labels: Brandy, Inom Tayo, Mix |
posted by StarScream @ 11:32 PM |
|
|
Earthquake: Iced Tea with a Quake |
Wednesday, August 22, 2007 |
Natutunan ko tong inumin na to sa mga kebigan kong sina Yubear at Dehk. Ang tawag sa inumin na ito ay Earthquake: lasang iced tea at hindi mo mararamdaman ang tama, unless na tumayo ka. Example - si Dyelo daw dati sarap na sarap dito, nakarami ng inom at tila hindi nararamdaman ang tama. Pero pagtayo nya, parang may earthquake, nahilo sya agad.
Ang mga sangkap sa inuming ito:
- 1/2 Long Neck na Emperador (or 1 lapad kung medyo matapang gusto nyo)
- 1 stallion-size na Red Horse
- 1/2 Litro ng Sprite
Mix sa isang malaking pitsel.
Masarap na inumin para sa mga nagtitipid at sa mga maaarteng ayaw ng lasa ng alkohol (sus mga hipokrito eh di wag na lang kayo uminom!!!).Labels: Beer, Mix |
posted by StarScream @ 6:33 PM |
|
|
Beer - X |
Monday, August 20, 2007 |
Natutunan ko tong timpla na to sa mga kabarkada ko noong College, noong nagtitipid kami sa inumin. Yung tipong beer lang pero may sipa. Andun pa rin ang sarap ng beer. Pero may tamis ng lemon. Eto lang ang kelangan mo:
- Beer - Extra Joss
Tantyahin mo na lang ang pag-mix ng inumin. Usually isang pack sa isang litro ang ginagawa namin, pero kung gusto mo na hindi masyadong matapang, ayus din.
Ang pangit lang dito, eh yung may tama ka na, gusto mo na magpahinga at matulog, pero hyper ka pa din dahil sa energy ng Extra Joss. Malamang ang mangyayari eh magkukulitan kayo buong gabi. Tandaan, marami kang lakas buong gabi. Ikaw na bahala kung ano gusto mong gawin.Labels: Beer, Mix |
posted by StarScream @ 11:51 PM |
|
|
Paunang salita |
Wednesday, August 15, 2007 |
Bago ang lahat, gusto ko yayain ang lahat na... Tara na, inuman tayo!!
Para sa mga taong gustong uminom, mahilig uminom, mahilig maglasing, palaging lasing, at kung sino pa basta ang usapan ang alak, iniaalay ko ang blog na to para sa yo!
Hehehe. Dito ilalagay ko ang mga recipe at mixes ng alak na natutunan ko sa mga nakasalamuha ko sa pag-inom, syempre Pinoy-style.
Enjoy mga pre! Inom tayo!Labels: Inom Tayo |
posted by StarScream @ 8:04 PM |
|
|
|
Inuman Tayo! |
Inuman: Filipino term that signifies a drinking session among friends, acquaintances, lovers, kanto boys, high school and college cut-classers, or anybody else interested in alcohol.
|
Mga Tanggero |
|
Isponsors |
|
Powered by |
|
|